5

Sep 16, 2020 @ 23:09
By

Mga bisita sa NBA Finals daragdagan

Pagdating ng Finals, asahang mas marami nang warm bodies sa arena upang mag-cheer sa last two teams na magbubuno para sa Larry O’Brien Trophy.

Pinayagan na ng NBA ang dalawang teams sa Finals na tumanggap ng karagdagang bisitang papapasukin sa venue sa ESPN Wide World of Sports.

“The NBA is allocating 40 seats in Tier 4 (20 per team) for off-campus guests for the NBA Finals, sources say,” tweet ni Shams Charania ng The Athletic. “Each player can invite two guests per game – including family, longtime friends, managers/agents.”

Noong second round ng playoffs ay pinapasok rin ang pamilya, kamag-anak o girlfriends ng players na umabante sa semis.

Bukod sa players, coaches at officials, nadagdagan ng mga tao sa arena.

“The NBA will allow teams advancing to the Finals to bring three more staff members and 12 team staff guests into the Orlando bubble,” ulat ni Charania.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,