123

Nov 12, 2020 @ 13:08

Mga binaha sa Marikina, Rizal pinasasaklolohan

Agad pinakilos ng Malacañang ang Philippine Coast Guard para tulungan ang mga residenteng nasa bubungan ng kanilang kabahayan matapos malubog sa tubig-baha sa Marikina City, San Mateo at Rodriguez, Rizal.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan ang amphibious vessel para masundo ang mga residenteng nasa bubungan nb mga kabahayan.

“Magri-request po tayo sa Hukbong Sandatahan at sa Coast Guard na magpadala ng amphibious vessels,” ani Roque.

Kabilang sa mga residenteng humihingi ng saklolo ay mula sa Provident Village sa Marikina City, Doña Pepeng subdivision sa San Mateo Rizal, Kasiglagan village sa Rodriguez, Rizal at iba pang mababang lugar.

Sinabi ni Roque na hati ngayon ang atensiyon niya dahil nagmomonitor ito sa sitwasyon ng bagyong Ulysses at nagmomonitor din sa opening ceremony ng ASEAN summit.

“Hati ang aking atensiyon–kinakailangan mamonitor ang nangyayari sa ASEAN at the same time ma-monitor ang nagyayari sa bagyo,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?