16

Oct 26, 2021 @ 11:33
By

Mga bilanggong nadedo sa COVID, 50 na – BJMP

Kasalukuyang 50 bilanggo na ang nautas dahil sa COVID-19 ayon sa Bureau of Jail Management and Penology nitong Lunes.

“Mayroon tayong 50 na casualties,” wika ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda sa isang public briefing.

Aniya, 4,610 na ang naitalang COVID-19 cases sa kanilang mga pasilidad.

Sambit ni Solda, may mga comorbidities din umano ang mayorya ng nasawi sa COVID..

Samantala, sinabi ng opisyal na 43,000 sa 123,630 persons deprived of liberty (PDLs) ay full vaccinated na kontra COVID. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?