24

Dec 25, 2017 @ 12:01

Mga biktima ni Vinta, ipinagdasal ni Pope Francis

Nag-alay ng dasal si Pope Francis sa taga-Mindanao na sinalanta ng bagyong Vinta, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa lingguhang Angelus prayer sa Vatican, hiniling ni Pope Francis sa mga tao sa St. Peter’s Square na ipagdasal ang maraming biktima ng bagyong Vinta na ikinasawi ng 200 katao at pagkawala ng tirahan ng 70,000 iba pa.

“I want to offer my prayers to the population of the island of Mindanao, in the Philippines, hit by a storm that has caused numerous victims and destruction. Merciful Lord, take in the souls of the dead and comfort those who are suffering as a result of this calamity. Let’s pray for these people,” sabi ng Santo Papa.

Ginawa ni Pope Francis ang apela, ilang oras bago ang selebrasyoin ng Christmas Eve vigil Mass.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?