68

May 14, 2020 @ 16:16
By

Mga biktima ng Taal Volcano, naiwan sa evacuation center – Tolentino

Hindi pa rin dapat kalimutan ang mga naging biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino matapos pagtibayin ng Senado ang isang resolusyon na naglalayong tulungan ang mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal noong Enero 12.

Sa ngayon kasi’y nanatili pa rin ang mga residente sa mga evacuation center sa gitna na kinakaharap namang coronavirus diseases 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

“This is a simple resolution that would show that the Senate is touching the hearts of our kababayans in Batangas, Cavite, Calabarzon. They are not yet forgotten. The damages brought about by the Taal volcano should never be forgotten,” pahayag ni Tolentino.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 297, hinimok nito ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na maglabakas na plano para sa Taal Volcano resettlement and rehabilitation program.

Ngayon nasa Alert Level I ang Taal Volcano, sinabi ni Tolentino na panahon na para magbuo ang DHUSD ng post-disaster housing program para sa mga apektadong pamilya nakatira sa naturang isla.

“Hanggang ngayon po nandoon pa rin ang marami sa kanila sa evacuation center ng mga nabanggit kong mga lugar. Talagang nakakaawa na po sila,” sabi ni Tolentino.

Kasalukuyang nakatira ang may 900 pamilya sa mga evacuation center sa limang barangay sa Talisay, Batangas at walang pinagkakakitaan.

“Many of them rely on the tourism related activities including fisheries in the Taal Volcano island. But it is now, as it has been declared, no man’s land. It is for the government to provide government assistance to them,” ayon kay Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?