197

By

Mga biktima ng sunog ‘wag bigyan ng bigas – Duterte

Hindi makakatulong sa mga biktima ng sunog ang pagbibigay agad ng bigas bilang ayuda.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tubig at pera ang dapat na ibigay agad sa mga nasunugan sa halip na bigas dahil walang kaldero ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, walang panahon ang mga biktima ng sunog na maghagilap ng pagsasaingan kaya para sa mga pulitikong nais tumulong ay tubig at pera ang pangunahing dapat na iabot sa fire victims.

“Alam mo sa sunog, ang importante diyan tubig. Wag mong bigyan ng bigas kasi walang kaldero ’yan at walang panahon yan. Nagkakandarapa pa yan,” anang Pangulo.

Huwag aniyang magpadala agad ng sako-sakong bigas dahil hindi mapapakinabangan ito ng mga biktima.

“Pagka sunod, tubig,pera, pati yung diretso na karne norte o protein, pan. Wag kayong magdala ng sako-sakong bigas. During the time of crisis, in the midst of calamity,you do not. Magnigay ka ng gankn walang panahon yan. Walang mga kaldero, walang kutsara, wala lahat,” anang Pangulo.

Yan aniya ang naging karanasan nito sa matagal na panahong naging alkalde ito ng Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?