20
dole1
By

Mga biktima ng Ompong, bibigyan ng pansamantalang trabaho ng DOLE

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na ipapatupad ang cash for work program sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III ang emergency employment program ay ipapatupad sa Cagayan, Isabela and Nueva Vizcaya.

” We will provide some emergency employment para sa mga na-displace na farmers, workers, residents para mabigyan sila ng konting tulong and at the same time, they will be working in rehabilitating the entire region,” sinabi ni Bello.

Aniya ang mga interesado ay maaring maglinis ng bahay at kalye para sa rehabilitasyon.

Sa mga nakalipas na kalamidad sa ibang lugar, hanggang P350 kada araw ang suweldo sa cash for work program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?