188
grace-poe
By

Mga biktima ng kalamidad idagdag sa 4Ps – Poe

Isinusulong ni Senadora Grace Poe na ipasaklaw sa Pantawid Pamilyang Pilipino Pogram (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng kalamidad gaya ng bagyo at baha.

Ipinalalaan dito ng senadora ang 5 porsyento ng taon-taong badyet para 4Ps.

Ayon kay Poe, regular nang dumadaan ang ang mga bagyo kada taon at karaniwan nang may mga binabaha.

Dahil dito, kailangan na umano ng awtomatikong pagkukunan ng cash assistance ng mga hinagupit ng kalamidad.

“As one of the most calamity-stricken countries in the world, these are predictable and regular displacements. Sabi nga nila, kailangan pa bang i-memorize ‘yan,” sabi ni Poe.

Ayon sa senadora, hindi sapat ang pasulpot-sulpot na relief goods sa mga nasalanta habang nasa evacuation center dahil ang kailangan nila ay suporta para makabangon at makabili ng kanilang pangangailangan.

Sa panukalang badyet para sa 2019, may P88 bilyon na nakalaan sa 4Ps.

Maari umanong umpisahan dito ang mungkahi niyang automatic enrollment ng mga nasalanta sa 4Ps.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?