BSP
By

Mga biktima ng ‘bank fraud attacks’ babayaran – BSP

Sharing is caring!

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mababayaran ang lahat ng mga nabiktima ng serye ng ‘fraud attacks’ sa ilang bangko.

Ito, ayon kay BSP Deputy Director Melchor Plabasan, ay kasabay ng pag-iimbestiga nila sa mga pag-atake.

“We want to ensure that victims of these cyber-related incidents will be restituted accordingly,” sabi ni Plabasan.

Aminado si Plabasan na maaaring maging mahirap ang pag-iimbestiga ngunit kapag may mga nakasuhan ay maaaring maiwasan na ang mga katulad na pag-atake sa banking system ng bansa.

Nauna na nitong sinabi na malalaman din sa imbestigasyon kung paano pa mapapalakas ng mga bangko ang seguridad sa kanilang mga sistema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?