Nanawagan ang isang kongresista na bigyan ng insentibo ang mga Pilipino na magbibisikleta patungo sa kanilang trabaho.
Sa gayon, mahihikayat umano ng gobyerno ang mga mamamayan na mag-bike na lang kapag magko-commute, kahit pa matapos ang coronavirus pandemic.
Sa panukala ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong, bukod sa paglalagay ng protected bicycle lane ay dapat ding gawaran ng insentibo ang mga working cyclist gaya ng tax perks, extra pay credits, o food vouchers.
Binanggit din ng mambabatas ang ibang bansa gaya ng Netherlands, na binabayaran nang $0.22 o ₱11 ang residente sa kada kilometro na binibisikleta, tax-free.
“Providing incentives for people who bike to work is a small price to pay for its immeasurable benefits,” wika pa ni Ong.