26

Nov 25, 2021 @ 16:18
By

Mga bike lane pinalalagay sa Google Maps

Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Google na isama ang mga bike lane route sa Pilipinas sa sikat na Google Maps nito.

Sa pahayag, sinabi ng DOTr na malaking tulong sa mga siklista ang pagsama sa mga bike lane sa Google Maps sa araw-araw na biyahe ng mga ito.

Ani Transportation Sec. Arthur Tugade, isang napakagandang innovation ito para sa Google Maps dahil maraming Pilipino ngayon ang nagbibisikleta bilang kanilang transportasyon sa gitna ng pandemya.

Sa ngayon aniya ay hinihintay nila ang sagot ng Google.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?