9
bigas
By

Mga bigas galing ng Thailand, Vietnam, dadating ngayong Mayo – NFA

Sharing is caring!

Magsisimula nang mag-supply ng bigas sa National Food Authority (NFA) ang Thailand at Vietnam bago matapos ang Mayo.

Ayon kay Documentation and Legal Research Division chief Richardson Bassig, sa pamamagitan ng government to government (G2G) mode, mas mabilis ang pag-aangkat ng bigas kaysa sa government to private (G2P) mode.

Inaasahang makakadagdag ang iaangkat na 250,000 metriko toneladang bigas ng well-milled long-grain white rice sa papaubos nang stocks ng NFA para sa masang Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?