48

May 24, 2020 @ 19:58
By

Mga Bicolano dumagsa sa Baclaran para sa ‘Balik Probinsya’

Naispatan ang ilang Bicolano na dala-dala ang kanilang mga gamit patungong Baclaran.

Sa kuhang video ni dzRH program host Noche Cacas, makikita ang ilang tao na mga nawalan umano ng trabaho sa Metro Manila dahil sa lockdown.

Ang mga nasabing Bicolano ay magtutungo umano sa Baclaran para makauwi na sa kanilang lugar sa pamamagitan ng ‘Balik Probinsya’ program.

Ayon sa National Housing Authority noong May 13, nasa 10,000 na Pinoy na ang nag-apply sa nasabing programa.

Layunin nito na paluwagin ang National Capital Region sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan sa mga residente na nakatira sa mga probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?