27

Oct 13, 2021 @ 22:41
By

Mga bebot hinikayat mag-aplay na bus driver

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang kababaihan na mag-apply na bus driver para sa High Priority Bus System (HPBS).

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Nicole Erika Cue, community development officer ng DOTr, gustong pagsamahin ng gobyerno ang gender at development sa pagpapatupad ng HPBS.

Ang HPBS ay isang programa na layuning imordenisa ang mga pampublikong sasakyan sa Davao City.

Maliban sa kababaihan, maaari rin aniyang mag-apply ang mga miyembro ng LGBT sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?