103

Dec 2, 2017 @ 16:00
By

Mga batas para sa PWDs, ipasa na – Bam

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw na ito (December 3) ng International Day for Persons with Disabilities (PWDs), nanawagan si Senador Benigno “Bam” Aquino IV sa mga kapwa mambabatas na bilisan na ang pagpapatibay ng mga panukala na makatutulong sa mga PWD.

“We need to ensure that our PWDs are given proper assistance and opportunities to make a living,” giit ni Aquino

Tinukoy ng senador ang Senate Bill No. 356 at 1249.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1249, inoobliga ang mga ahensya ng pamahalaan na ilaan para sa mga PWD dalawang prosyento ng kanilang workforce habang isang porsyento sa mga pribadong kumpanya.

This bill seeks to create more job opportunities for PWDs in the workforce and provide commensurate compensation, benefits and employment terms for PWDs as any other qualified employee,” diin ni Aquino.

Sa ilalim naman ng Senate Bill No. 356, nakasaad ang mandatory Philhealth coverage para sa PWDs.

“Social services should be provided to those with the least in society. Health services should be provided to those who need it the most,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?