302

By

Mga batang palaboy, inilibre ni Alaska import Mike Harris ng Jollibee

Lumabas ang tunay na kulay ni Alaska Aces import Mike Harris.

Pero hindi sa negatibong paraan.

Matapos kasi ang magandang laban nila kontra Meralco sa Game 3 ng 2018 PBA Governors’ Cup semis noong Huwebes sa Cuneta Astrodome kung saan nagwagi ang kanyang koponan, 104-102, ay tila nasa mood ang import at inilibre ng pagkain sa isang fast food chain ang mga batang palaboy sa kalye malapit sa venue ng laro.

Ilang Facebook users ang nag-upload ng larawan at video na ito ng kawanggawa at kabutihan ni Harris.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Aces para makatuntong sa Finals matapos padapain ang Bolts at makuha ang 2-1 bentahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: