407

By

Mga batang naghihintay kay Kobe labis ang lumbay

Sa halip na tuwa, bumuhos ang luha sa basketball camp na pagdarausan sana ni NBA star Kobe Bryant kasama ng anak niyang si Gianna sa Thousand Oak, California.

Sa lumabas na mga larawan ay makikitang nag-iiyakan ang mga batang naghihintay sa mag-amang Bryant nang mabalitaan ang biglaang pagkamatay ng dalawa.

Si Kobe, na kilala ring “Black Mamba”, ay patungo sana sa basketball game para maging guest at i-coach na rin ang maglalarong dalagitang anak.

Ngunit habang nasa biyahe ay nagka-trouble sa hindi pa malamang dahilan ang sinasakyan nilang isang Sikorsky S-76 helicopter at nag-crash.

Siyam na katao o lahat ng sakay sa nasabing chopper kabilang ang mag-ama ay patay.

Bunga ng insidente’y bumuhos ang luha sa nakaabang na tagahanga at naghihintay na mga batang player sa yumaong NBA legend.

Bilang respeto, lumuhod ang lahat nang nasa basketball camp at nag-alay ng dasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?