27
views
ABANTE TNT doh heal duque visit dengvaxia
By

Mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, bibisitahin ng DOH

Sharing is caring!

Bibisitahin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga eskwelahan kung saan nag-aaral ang mga batang naturukan ng kontrobersyal na bakuna kontra-dengue na Dengvaxia.

Unang bibisitahin ng kalihim ang isang paaralan sa Marikina, gayundin ang iba pang mga paaralan sa National Capital Region (NCR), Regions 3 at 4-A, at Cebu.

Ayon kay Duque, walang magaganap na pag-anunsyo kung ano ang partikular na eskwelahan ang kanyang bibisitahin.

Ito ay para umano matiyak na nakakatalima ang mga DOH regional staff sa inilatag na risk communication strategy ng kagawaran gaya ng pagkakabit ng mga poster na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Dengvaxia.

Nauna nang tinukoy ng DOH na padadalhan din nila ng liham ang magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Nakasaad umano sa liham ang mga paalala at ang mga bagay na dapat gawin sakaling may mapansing kakaiba sa kalusugan ng kanilang anak at kung saang ospital sila maaring dalhin sakaling magkasakit.

Ipapaliwanag din umano nila sa liham ang ginagawa ng gobyerno mula nang aminin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia, na mapanganib ang nasabing bakuna sa mga batang hindi pa tinatamaan ng dengue. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?