37

By

Mga batang lansangan ‘di kayang kupkupin ng DSWD

Sharing is caring!

Inamin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nila kayang kupkupin lahat ang mga batang palaboy na madadampot ng mga pulis sa lansangan.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa kampanya ng mga otoridad ang mga batang pagala-gala at lumalaboy sa mga lansangan lalo na sa dis-oras ng gabi.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni DSWD acting Secretary Virginia Orogo na kakaunti ang kanilang centers na maaring pagdalhan sa mga madadampot na batang palaboy.

Sa kasalukuyan ayon sa opisyal ay mayroon lamang silang 72 centers sa buong bansa at hindi kayang mag-accomodate kung maramihan na ang mga dinadala sa kanila.

“Hindi po lahat kaya nating ilagay sa ating center, dahil sa kaunti nga lang po iyong ating centers.Iyong facilities ngayon ng DSWD, we have 72 centers, pero ang ilan dito ay nakatira na siyempre sa mga senior citizen. Meron kaming kasalukuyang ginagawang repair, pinapaayos po natin, dinadagdagan natin ng 50 bed capacity ang bawat center ngayon, dahil nga sa dami nga po ng ating mga kliyente na pinapasok natin doon. Pero ang ginagawa po doon, kasi pagkadating ng mga bata ay kine-case study agad iyan at kung talagang wala at abandoned iyong children at iyong wala talagang kukuha sa kanila, nag-i-stay po iyan ng medyo ano sa ating centers,” ani Orogo.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na ilulunsad nila ang programang “silungan sa Barangay” para ang mga opisyal ng barangay ang kakalinga sa mga madadampot na mga batang-gala.

Sinabi ni Orogo na makikiupag-ugnayan sila sa local government units at iba pang ahensiya ng pamahalaan para agad na maipatupad ang programa na ang pangunahing target ay mga pamilyang nakatira sa lansangan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?