947

Nov 3, 2017 @ 17:02

Mga batang kalye, hindi itataboy sa ASEAN Summit

Walang plano ang pamahalaan na itago ang mga batang kalye sa mata ng mga dayuhang bisita na dadalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit and Related meetings sa susunod na linggo.

Ito ang tiniyak sa Palasyo ni Mitzi Cajayon-Uy, Execurtive Director ng Council for the Welfare of Children sa harap ng ginagawang preparasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa maayos na pagdaraos ng pandaigdigang pagpupulong sa bansa.

Ayon kay Uy, hindi nila gagayahin ang nakalipas na administrasyon na itinago sa isang resort sa Batangas ang mga pamilyang nakatira sa gilid ng mga lansangan para hindi makita ng mga dayuhan noong panahon ng Asia Pacific Ecoonomic Forum (APEC) sa bansa at nang bumisita si Pope Francis.

Sinabi ng opisyal na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte at ayaw paalisin ang mga batang kalye o kaya naman ay mga pamilyang walang tahanan para makita ng mga bisita kung ano ang tunay na sitwasyon sa bansa.

“Hindi kami magtatago ng bata. Ayaw ng ating Pangulo, knowing PRRD, ay hindi siya mapagkunwari. Kung ano ‘yung nakikita ‘yun ang dapat makita, ” sabi ni Uy.

“So, definitely we will place the children in these activity centers where they could have be — they could play, they could read, and they could be fed on ano, ” dagdag pa nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?