102

Sep 8, 2021 @ 15:25
By

Mga batang ‘gangster’ ibinunyag dahilan ng away

Nito lamang nakaraang linggo nang mag-viral ang isang video kung saan maiispatan ang apat na bagets na dibdibang nag-aangasan sa isang eksinita sa Pandi, Bulacan.

Batay sa kuha ng video, maririnig ang mga batang gangster na nagsusumbatan ng “patay-gutom” at “nanghuhuli ng kalapati.”


Kinilala sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang mga bagets bilang sina Yanyan, Naji, Ivy at Joela.

Kwento nila, chichirya ang pinag-uagtan ng kanilang bardagulan sa eskinita.

“Binigyan ko na po siya pero bigla pong inagaw niya,” sey ni Joela.

“Sabi kasi ni [Joela], sila na lang po kakain,” depensa naman ni Yanyan na siyang tumawag kay Joela nang patay-gutom dahil sa pagdadamot nito ng Cracklings.

Matatandaang galit na galit ang batang si Joela kay Yanyan at sinabing: “Kala mo hindi masakit ‘yung pinagsasabi mo sa akin? Na patay gutom ako?” aniya.

“Bakit? hindi ba yun masakit?””

Anila, bati na raw sila ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,