21

By

Mga batang filmmaker bibigyan ng break sa ‘We Are Intramuros Film Challenge’

Sharing is caring!

Ang Film Development Council of The Philippines (FDCP) ay nakiisa sa Intramuros Administration sa pagsasama sa film artistry at sa pagpapahalaga ng pamana at kasaysayan upang idaos ang #WeAreIntramuros, isang 24 oras na filmmaking challenge na magbibigay pokus sa kultural na kamalayan sa Filipino values.

Sa ginanap na press conference noong August 30 sa FDCP’s Cinematheque Centre Manila kasama si Intramuros Administrator Atty. Guiller Asido, ipinaliwanag ni FDCP Chairperson Liza Diño na layunin nitong hikayatin ang mas maraming young filmmakers para i-explore pa ang kanilang creativity at craft.

Pahayag niya, “This challenge will surely need our filmmakers to be on their toes and make use of every resource and minute that they have. We look forward to seeing the types of films that they will be coming up with.”

Ang film project ay maaaring magkaroon ng kahit anong paksa hangga’t itinataguyod nito ang kilalang values ng mga Filipino tulad ng mabuting pakikitungo (hospitality), pagpapahalaga sa pamilya, pagtratrabaho ng mabuti at pagiging maparaan. Sampung (10) mapipiling kalahok ay mabibigyan ng kinakailangan na allowance upang magawa ang tatlo hanggang limang minutong mga pelikula. Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng mga kabataang nangangarap maging filmmaker sa High School at College sa paligid ng Manila.

Ang mga kuwalipikasyon para makasali ay ang mga sumusunod:

1. Participants should be a Filipino citizen and must be 16 years old and above.
2. Applicant must be a student of an educational institution in the Metro Manila area.

Ang production crew TEAM (max of 4 members total) ay kailangang manggaling sa kaparehong educational institution they’re connected with.

Ang mechanics for submission:

1. Completed PDF Document of the Entry Form: Concept paper with synopsis
2. Scanned copy of current school ID and registration form. If applicable, any government issued ID ex. Postal ID, Passport, Voter’s ID, etc.
3. Proponent may submit a maximum of two (2) entries but only one (1) will be selected.
4. All submissions must be done online.
5. All entries must be original.
6. Preferences must be cited properly and with permission
7. Project must include Intramuros as a viable location.

Ang mga mapapanalunan ng finalists ay:

1. Best Film Award with Php 20,000.00 cash prize, trophy & certificate
2. Jury’s Choice Award with Php 15,000.00 cash prize, trophy & certificate
3. People’s Choice Award with Php 10,000 cash prize, trophy & certificate (most viral video)
4. Consolation Prize of Php 5,000 for the eight (8) production teams with certificates
5. Special Award that the Jury might feel rewarding, Php 5,000 for one or two (1 or 2 ) production teams with certificates.

Ang deadline ng submission ng entries ay sa September 20, 2018. Para sa iba pa detalye, please like and follow ang FDCP social media accounts sa Instagram, Twitter at Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?