156

Dec 21, 2018 @ 21:22

Mga batang bully, maaaring lumala kapag hindi naaksiyunan – psychiatrist

IS

Marami umanong dahilan kung bakit nagiging bully ang isang bata, na kung hindi maaayos ay maaaring magpalala pa sa ugali nito.

Sa panayam sa psychiatrist na si Dr. Maria Bernadette Manalo sa Unang Balita, isa sa mga dahilan ng pagiging bully ng isang bata ay mismong siya ay naging biktima nito.

Maaari rin umanong insecure o may pinagdadaanan ang bata at inilalabas ito sa pagiging siga sa iba.

Sinabi rin nitong ang mga magulang ang siyang dapat maghubog sa kanilang anak ng tamang asal na nagsisimula sa loob ng tahanan.

Dapat umanong magpasaklolo sa mga eksperto ang mga magulang ng mga batang bully at dapat ding nandoon sila habang ginagawa ang therapy.

“Hindi natin puwedeng itatabi lang ang mga ganitong issues kasi further problems may arise kapag ito ay hindi na-a-address agad,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?