16

Sep 17, 2020 @ 19:43
By

Mga batang atleta huhubugin ni Kiefer

Tara na’t mag-ensayo!

Ito ang himok ni NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena sa mga batang atleta para sa unang virtual online class ng MILO Best center.

Ngayong may lockdown pa kasi sa ‘Pinas dulot ng pandemic outbreak ay nagsulong ang Best Center ng kanilang virtual training at mismong si Kiefer na graduate ng athletic program ang isa sa magtuturo sa mga tsikiting.

“Iba kasi ang training ngayon naiiba ang actual BEST Training. Sa zoom importante ay ma-develop ang mindset kahit hindi tayo nagkikita,” pahayag ni former Ateneo Blue Eagle star sa TOPS ‘Usapang Sports On Air’ Huwebes.

“Kailangan patuloy ako sa pag-eensayo at patuloy sa ginagawa ko, kaya ‘yan ang ginagawa ng Best Center Milo for the kids. At the same time, sama-sama kami sa training habang dinedebelop ang mga bata sa online class,” dagdag pa nito.

Ibinida rin ni MILO Sports Executive Luigi Pumaren na mayroon silang 3 online sports program na swak ngayong may pandemic. Una rito ang Interactive Basketball clinic, BIDA Best at Skills Challenge.

“Through these programs, parents can help their children advance their basketball skills through various classes and tournaments that espouse BEST Center’s scientific methods. With this partnership, we are able to continue our commitment of nurturing and inspiring young athletes to become champions of tomorrow,” lahad ni Pumaren.

Magsisimula ang BIDA BEST online webcast sa Setyembre 19 kung saan mapapakinggan ng mga batang learner ang mga athletic at life experience ng MILO graduates.

Ang Interactive Basketball Clinic naman ay aarangkada sa Setyembre 26 at panghuli ang Skills Challenge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?