30

By

Mga batang 80’s nabuhay sa throwback photo nina Janice, Julie

Sharing is caring!

Muling nabuhay ang mga batang 80’s nung mag-post ng throwback photo si Janice de Belen sa kanyang Instagram wall, na ang kasama niya ay ang namayapang si Julie Vega.

Black & white ang photo nina Janice at Julie na nasa gilid ng swimming pool, nakatayo, magkayakap sa isa’t isa at nakasuot ng one-piece bathing suit.

“FLORDELUNA & ANNALIZA #1980ssoapopera #julievega,” ang simpleng caption ni Janice.

Magkaribal sa trono sina Julie at Janice noon bilang mga soap opera princess.

Si Janice bilang si Flordeluna sa RPN 9, samantalang Annaliza naman si Julie sa GMA 7. At magkatunggali man ang dalawa sa TV, marami rin silang pinagsamahang pelikula noon.

Madalas din silang magkasabay sa mga guesting nila sa mga showbiz talk at variety shows noon.

Hindi lang malinaw kung ang larawan ay kuha sa isang eksena sa pelikula o sadyang pictorial ito sa para mai-promote sa magazine ang anumang collaboration nila noon.

Anyway, dahil sa throwback photo na ‘yon ay biglang na-miss ng maraming netizen si Julie.

Kung nabubuhay pa si Julie, posibleng aktibo pa rin ito sa showbiz gaya ni Janice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?