372

By

Mga bataan ni Cone noon, puro coach na ngayon

Masaya si Tim Cone sa narating ng kanyang dating players.

Ang mga minamanduhan niya noon, may mga sariling team na rin ngayon.

At katapat niya pa sa PBA.

Si Aris Dimaunahan ng Blackwater Elite. Si Johnedel Cardel ng Columbian Dyip.

At pinakahuli si Jeff Cariaso ng Alaska Aces.

Hindi nga pinaporma ni Cone ang dati niyang estudyanteng si Cariaso, nilampaso ng Ginebra ang Aces 102-83 sa una nilang pagtatapat sa Governors Cup nitong Linggo.

“I’m happy. I’ve got Jeff there now,” bulalas ni Cone.

“Aris played for me, John-John played for me. So I’m happy that I’ve got these young coaches.”

Mga players niya ang dalawa sa Alaska, doon din niya nahawakan si Cariaso.

“John-John didn’t play for me a long time, I think two years. Aris a couple of years or a year-and-a-half. Obviously, Jeff was there forever – almost,” patuloy ng 21-time champion coach.

Nang lumipat si Cone mula Alaska papunta ng B-Meg (Star) noong 2011, tangay niya si Cariaso bilang assistant. Magkasama sila sa grand slam ng Llamados noong 2014.

“I mean, it’s nice to have these guys out there. John-John is coaching great.

Aris had a tremendous conference last conference,” dagdag ng bagong Gilas coach para sa SEA Games. “I think Jeff is gonna fall in line with that.”

May ilan pang dating players ni Cone na nasa coaching staffs na rin ng ibang teams.

“I’ve got a lot of assistant. Jojo (Lastimosa) at NLEX, Johnny (Abarrientos, Magnolia), Luigi (Trillo) at Meralco,” panapos na inisa-isa ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?