43
iphones
Jan 9, 2018 @ 16:28

Mga bata sa US naadik na sa iPhones

Hinimok ng dalawang malalaking shareholders ang Apple na pag-aralan kung naadik na nga ba ang mga bata ang paggamit ng iPhones at kung ang madalas na paggamit nito ay masama sa mental health ng mga ito.
“There is a growing body of evidence that, for at least some of the most frequent young users, this may be having unintentional negative consequences on their health,” ayon sa Jana Partners LLC at California State Teachers’ Retirement System sa liham na ipinadala sa  Apple nitong January 6.
“The growing societal unease over the intensive use of smartphones by children is  at some point is likely to impact even Apple,” babala pa ng mga ito.
Ang dalawnag shareholders, na may $2 billion share sa  Apple, ay nanawagan din sa kumpanya na gumagawa ng hakbang para matulungan ang mga mag-ulang na higpitan ang kanilang mga anak sa paggamit ng mobiles phones.
Sa report ng Bloomberg, hindi pa nagkokomento ang spokesman ng Apple sa ipinadalang liham na nauna nang naiulat sa Wall Street Journal.
Nauana nang sinabi ng Apple na nagbigay na sila na parental controls sa iPhones na pumapayag sa restricting access sa ilang apps at laman nito.
Panibagong pressure ito sa Apple dahil noong nagdaang buwan lamang ay pinag-a-aapologize ito sa kanilang mga consumers dahil sa mabilis ng pagkaubos ng baterya ng kanilang mga smartphones.
Pero giit ng Apple, sadyang hihina umano ang battery ng telepono habang tumatanda ang telepono.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?