28

Nov 23, 2018 @ 19:29
By ,

Mga bata ni Shaq, handa na sa second round

Matapos ang first round sweep ng Petron Blaze Spikers sa All-Filipino Conference ng Philippine Superliga noong Huwebes ay balik na agad sa aksiyon ang defending champions.

Sa second round simula bukas, Sabado, makakaharap ng Petron sa Pool A ang wala pa ring panalong Sta. Lucia Lady Realtors alas-4 ng hapon sa Caloocan Sports Complex.

“Preparation lang every game and then ‘yung magandang kondisyon talaga. Kaya ngayon medyo mabagal din ang laro namin,” wika ni Petron coach Shaq delos Santos nang matanong kung ano ang magiging susi nila sa second round.

“I know naman ‘yung team namin na kaya pang mag-step-up lahat.”

Makakasagupa ng Petron sa Pool A ng second round ang Foton (5-2), Smart (2-5) at Sta. Lucia (0-7).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?