54

Jul 31, 2018 @ 20:16
By

Mga bata ni Cone, nilamon ng turnovers: Nagkalat!

Isa sa pumatay sa Ginebra sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals ang turnovers.

Ginamit ng San Miguel Beer ang miscues na iyon para ilatag ang pundasyon ng dambuhalang 134-109 win na nagtabla sa serye sa 1-1.

Sa first quarter lang, may 9 turnovers na ang Gin Kings, apat dito mula kay Justine Brownlee. Tatlong miscues agad ang Gins wala pang 2 minutes sa laro, napatawag bigla ng timeout si coach Tim Cone nang maiwan 6-0.

“We were trying to disrupt their game plan but we kind of fell out into it instead,” lahad ni Cone. “The bottom line is it wasn’t the way we started, it was about how we made so many turnovers early. … Justin I think had three in the first possessions that turned into transition points and easy baskets, and it just kind of mushroomed from there.”

Sa kabuuan, may 19 turnovers ang Ginebra na nai-convert ng San Miguel Beer sa 27 points. May 13 turnovers ang Beermen na naging 16 points ng Gins.

Gumamit ng small lineup si Cone bilang starters para malito ang San Miguel, pero nag-backfire ang estratehiya sa Gins.

“We were trying to spread them out with that smaller lineup, but instead of spreading them out we just made turnovers. And we never recovered,” suma ng coach.

Pinag-start ni Cone sina Kevin Ferrer, Jeff Chan, Joe Devance, LA Tenorio at Brownlee laban sa karaniwang starters ni Leo Austria na sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo at Renaldo Balkman.
Game 3 mamaya sa Big Dome din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?