1,318

May 28, 2021 @ 10:29
By

Mga bata, matanda lang pwede pumasok? Mga netizen nalito sa PureGold

Naguluhan ang mga netizen sa nag-viral na advisory na nagmula sa PureGold kung saan nagmukhang mga bata lang at senior citizen ang puwedeng pumasok sa kanilang supermarket.

Sa Facebook post ni Blu Asturias, binahagi nito ang nakapaskil sa isang branch ng Puregold na, “16 yrs old to 65 yrs old are not allowed to enter the store.”

Kung susundin ang naturang advisory ng PureGold, hindi pinahihintulutan ang pagpasok ng mga edad 16 hanggang 65.

“Yung pamangkin namin na 7yrs old, pinapunta na namin para mag-grocery sa ngalan na bawal kami lahat. Kasama niya naman mommy ko na 75yrs old. Pinag-iisipan na lang nila sino magbubuhat ng mga karton pero bahala na,” biro ni Asturias.

Dito nalito ang mga netizen lalo’t may pinatutupad ang gobyerno na ang mga menor de edad at senior citizen ay hindi pinahihintulutang lumabas dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang naturang post ni Asturias ay mayroon nang lampas 9.000 reaction at 8,000 shares.

Humingi naman ng paumanhin ang PureGold at nangakong aayusin na ito sa kanilang mga branch.

“We sincerely apologize for any inconvenience and confusion caused by the signage, mga ka-Puregold!” ayon sa pahayag ng PureGold sa kanilang social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?