137

Sep 17, 2019 @ 14:42
By

Mga bata kawawa sa divorce bill – Psychology group

Naniniwala ang grupong Psychological Association of the Philippines (PAP) na bagama’t ‘relief’ o kaginhawaan ang pagpasa ng divorce bill, mayroon itong malaking problemang gagawin sa ilang pamilya.

Ayon kay Atty. Nanie Jacob mula PAP, posibleng solusyon ang divorce sa isang pamilya ngunit maari rin itong magbigay ng problema.

Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender hearing on the proposed divorce law in the country.

“So allowing for dissolution for such relationship could be a relief. But let us not be mislead into thinking that divorce is a solution to a problem like that. It may be one way. It may be an option to get oneself out of that situation,” saad ni Jacob sa pagdinig sa nakahaing divorce bill sa Senado.

Aniya, dapat ding pag-usapan kung ano ang mangyayari sa isang pamilya kapag tuluyan nang maghiwalay ang mag-asawa.

“Who will assist this family financially, emotionally, spiritually? Who? I think the state should look into these matters,” saad ng abogado.

Dapat din umanong tingnan ang magiging epekto nito sa mga anak na magiging casualty ng hindi buong pamilya.

“Definitely, it is obvious, I think to all of us, it is not only the spouse who is abused, who is emotionally scarred by this experience, but also the children. Can you imagine how these children will grow up to be?” lahad pa ni Jacob.

“Their idea of a relationship in marriage will be their experience of the marriage of their parents. And what kind of parent will they be in their adulthood?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?