74

Oct 17, 2017 @ 12:21

Mga bata, bawal nang iwan sa sasakyan

Inaprubahan na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na nagbabawal sa pag-iwan sa mga bata sa sasakyan.

Sa ilalim ng House Bill 6570 na pangunahing iniakda nina Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Bacoor Rep. Strike Revilla, hindi maaaring iwan sa sasakyan ang mga nasa edad 8 taong gulang pababa.

Nakasaad sa panukala na dapat palaging may kasamang matanda ang mga bata habang sakay ng sasakyan na nakabukas ang makina o nasa loob ang susi.

Itinatakda ang multang P5,000 para sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag at P50,000 kasama ang pagkumpiska sa lisensya para sa ikatlong paglabag.

Ayon kay Revilla, napakadelikado nang pag-iwan sa mga bata sa sasakyan na maaring humantong sa kamatayan..

“These injuries and deaths were caused by heat stroke, a motor vehicle being put in motion by a child, choking while inside a car, being kidnapped, inhaling toxic fumes, activation of automatic power controls, or being trapped in the vehicle’s trunk,” ayon kay Revilla.

Sinabi naman ni Arroyo na dapat alam ng mga magulang at guardians ang peligro sa mga bata na iniiwang walang bantay sa sasakyan.

“Parents, relatives or guardians should always be made aware that unsupervised children in a motor vehicle pose a great threat to their safety and unnecessary emotional burden to their families,” sabi ni Arroyo. Pearl Serrano

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?