23

By

Mga bata, bawal nang iwan mag-isa sa sasakyan

Sharing is caring!

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagbabawal na iwan nang walang kasama sa sasakyan ang mga batang edad walo pababa.

Walang tumutol sa House Bill 6570 nang pagbotohan ito sa plenaryo.

Itinatakda ng panukala na ang dapat magbantay sa bata sa loob ng sasakyan ay edad 18 pataas para matiyak ang kaligtasan ng mga ito lalo na kung tumatakbo ang makina ng sasakyan at kung ang susi nito ay nakakabit pa sa sasakyan.

Sakaling maging ganap na batas, P5,000 ang multa sa lalabag dito sa first offense; P10,000 sa second offense, at P50,000 naman ang multa kaakibat ang pagkumpiska sa lisensiya kapag third offense.

Ang mga susunod pang paglabag ay may parusa nang revocation ng lisensiya sa pagmamaneho.

Inaatasan naman ang Land Transportation Office na maglunsad ng education campaign para magkaroon ng awareness ang publiko sa panganib na dulot sa bata kapag naiiwan sa sasakyan nang walang kasama at ang responsibilidad dito ng bawat pamilya o guardian. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?