32

May 15, 2020 @ 11:46
By

Mga basher ni Sinas pinaaawat na ni Lacson

Nag-sorry at nagsisi na umano si NCRPO chief Debold Sinas kaya dapat tantanan na ng madla ang pambabatikos, ayon kay Senador Ping Lacson.

Matatandaang naging viral ang birthday celebration ni Sinas dahil sa paglabag umano ng mga anti-coronavirus quarantine protocol ng gobyerno, gaya ng social distancing, mass gathering, pagsusuot ng face mask, at liquor ban.

Sambit ni Lacson ngayong Biyernes ng umaga, inatake na ang hepe parehong sa social at mainstream media.

Pwede aniyang alalahanin ng publiko ang serbisyo ni Sinas sa Metro Manila habang may COVID-19 pandemic.

“P/MGen Debold Sinas has been bashed, criticized and pilloried both on social and mainstream media. He has since apologized and regretted his indiscretion,” tweet ng senador.

“We may also want to consider his long law-enforcement service and his share to keep Metro Manila safe from the virus,” payo niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?