354

Nov 5, 2019 @ 12:07

Mga Barretto nagpadasal sa healing priest

Dinasalan na ni healing priest Fr. Fernando Suarez ang mag-iinang sina Inday, Gretchen at Claudine Barretto.

Sa Instagram, binahagi ni Claudine ang pagsasalo nila kahapon kasama ang kanilang Tita Cherry sa isang lunch date sa Powerplant Mall, Rockwell Center.

Nagpasalamat din ang aktres kay Suarez sa inalay nitong dasal para sa kanilang pamilya, at ayon pa sa isang source ng Showbiz Philippines, nagpa-pray over at counseling ang mga Barretto sa pastor.

Matalik na kaibigan ng mga Barretto ang paring nagtatag ng Mary Mother of the Poor Healing Ministry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?