159
tnt_armas
By

Mga baril nasamsam ng tropa ng militar sa inabandonang pugad ng NPA

Nasamsam ng mga sundalo ng Philippine Army ang mga high-powered firearm sa central Negros hideout na inabandona ng mga New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan nitong Linggo (Abril 14).

Sinabi sa ulat mula sa 3rd Infantry Division (3ID) na ang pinagsamang lakas ng 62nd Infantry Battalion mula sa Negros Occidental at ng 94th Infantry Battalion (IB) mula sa Negros Oriental ay nakipagsagupaan sa tinatayang 20 communist fighters, dakong ala-6:50 ng umaga sa Sitio Mansuluway, Barangay Cabcaban sa bayan ng Bindoy.

Sinabi ni Lt. Col. Egberto Dacoscos, commanding officer ng 62 IB, matapos ang limang minutong tunggalian, natagpuan ng tropa ang pugad ng NPA at narekober mula rito ang dalawang M16 rifles at isang M4 rifle.

Naiwan din ng mga rebelde ang isang sako ng bigas, medical kits, cooking utensils, jungle hammocks, mga personal na gamit at subersibong dokumento.

Ang engkwentro ay naganap matapos na makatanggap ang tropa ng militar ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Muling pinaalalahanan ni Maj. Gen. Dinoh Dolina, commander ng 3ID, ang Negrenses na manatiling vigilante at patuloy na suportahan at makiisa sa tropa ng gobyerno.

“Report the presence and activities of the CPP-NPA terrorists in your area,” aniya.

Ayon naman kay Capt. Eduardo Precioso Jr., spokesman ng 3ID, patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang kanilang tropa upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga sibilyan.

“We will continue to pressure the enemy,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?