60
ABANTE sonny angara build marawi
By

Mga barangay official bigyan ng fixed salary – Angara

Itinuring na ‘frontline workers’ ang mga opisyal ng barangay kasama ang mga manggagawa subalit wala naman silang suweldo at mga benepisyo.

Ito ang sinabi ni Senador Juan Edgardo Angara kaya’t inihain niya ang Senate Bill 136 o Magna Carta for Barangays para mabigyan ng karapatang pasahod at benepisyo ang mga opisyal ng barangay at mga kawani nito.

“Tuwing may problema, ang barangay ang unang tinatakbuhan ng tao para humingi ng tulong. Sila ang unang rumeresponde sa mga krisis pero sila ang huli lagi pagdating sa mga benepisyo,” sabi ni Angara.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang mga opisyal ng barangay ay tatratuhing regular na kawanin ng gobyerno. Ibig sabihin regular ang kanilang magiging sahod, may allowance, insurance, medical at dental coverage, retirement at iba pang mga benepisyo.

“Mahalaga ang trabahong ginagampanan ng ating mga barangay kaya dapat lang na makatanggap sila ng angkop na benepisyo,” sabi ng senador.

Ang punong barangay ay dapat tumanggap ng sahod na katulad nang nakukuha ng mga miyembro ng sangguniang bayan ng kanyang lungsod o munsipalidad.

“An amount equivalent to 80 percent of the salary of a sanggguniang bayan member will be received by the six sangguniang barangay members,” sabi ni Angara sa kanyang panukala.

Ang Kabataan Brangay chairman, barangay secretary at barangay treasurer naman ay makakatanggap ng halagang equivalent sa 75 porsiyento ng suweldo ng miyembro ng sanggunian.

Sa kasalukuyan, ang mga opisyal ng barangay na walang fixed na suweldo at nakakatanggap lamang ng honoraria at iba pang allowance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?