7

Jul 23, 2020 @ 11:12
By

Mga barangay captain epektibong contact tracer – WHO

Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan ng Pilipinas na magpokus sa pagpapalakas ng contact tracing sa halip na magpatupad ng hard lockdown sa iba’t ibang lugar para mapababa ang bilang ng mga infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa WHO, dapat kunin ng gobyerno ang tulong ng mga barangay captain para sa epektibong contact tracing dahil ang mga ito ang epektibong makahahanap ng mga may sintomas ng COVID-19.

Ginawa ng WHO ang rekomendasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na ngayon ay mahigit 72,000 na ang nagpositibo sa virus.

Una nang sinabi ng Department of Hralth (DOH) na nangangailangan ang bansa ng 135,000 contact tracer para matunton ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?