35
EARIST graduate nangibabaw sa architect board exam
Jan 10, 2022 @ 20:47
By

Mga Bar examinee pinagka-quarantine

Simula nitong Lunes, Enero 10, inabisuhan na ang mga Bar examinee na magsimula nang mag-self quarantine.

Ayon sa Supreme Court, ang mga Bar examinee na magpopositibo sa COVID-19 ay hindi papapasukin sa mga local testing center para sa kanilang pagsusulit sa January 23 at 25.

“This prohibition will apply to all cases, whether symptomatic or asymptomatic,” dagdag pa ni Associate Justice Marvic Leonen sa pirmadong Bar bulletin.

Ang mga fully vaccinated examinee ay sasailalim sa antigen test sa loob ng 48 oras bago ang January 23.

Sa kabilang banda, ang mga hindi pa bakunadong examinee ay kailangan namang magpakita ng negative result ng kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction test o RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang unang pagsusulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?