23

By

Mga bar candidate nabawasan pa

Sharing is caring!

Pumalo sa 8,156 ang kabuoang bilang ng kumuha ng Civil Law and Taxation Law examination nitong nakaraang Linggo.

Base ito sa datos na inilabas ng Office of the Bar Confidant kaugnay sa nagpapatuloy na bar exam sa University of Sto. Tomas.

Nabatid na mula sa 8,158 Bar examinees na kumuha ng Political Law and International Law at Labor Law and Social Legislation exams noong November 4, dalawa ang hindi sumipot at hindi na nagpatuloy pa sa examination.

Matatandaang sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Gleo Guerra na 8,701 ang bilang na inaasahan nila na kukuha ng exam pero mahigit 500 dito ang una nang nag-back out.

Kanya namang ipinaliwanag na normal lang ito dahil normal lang na nababawasan ang bilang ng examinee.

Sa November 18 ang ikatlong linggo ng bar exam kung saan, sasalang sa pagsusulit sa Mercantile Law at Criminal Law ang mga aplikante.

Habang sa November 25 ang pagsusulit para sa Remedial Law at Legal and Judicial Ethics and Practical Exercises.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }