46

Jan 25, 2021 @ 21:12
By

Mga ‘bansot’ lusot na sa PNP, BFP, BJMP, BuCor

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pagbaba sa height requirement ng mga aplikante ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).

Tinukoy ang panukala bilang House Bill 8261 o PNP, BFP, BJMP at BuCor Height Equality Act.

Sa ilalim ng panukalang ito, tatanggap na ang mga nasabing kawanihan ng mga aplikante na one meter at 57 centimeters para sa kalalakihan at one meter at 52 centimeters naman para sa kababaihan.

Binago rin ang height requirement para sa mga katutubong aplikante.

Binaba ito sa one meter at 52 centimeters para sa lalaki at one meter at 47 centimeters naman para sa babae.

Paglilinaw nila, hindi kasama ang mga aplikante ng Philippine National Police Academy dito.

“Our stand is to retain yung standard height requirements na nakalagay before or sinusunod natin,” saad ni Police Brig. Gen. Rhoderick Armamento.

Hinihintay pang makadaan ng panukala sa ikatlong pagbasa bago ito isumite sa Senado para sa hiwalay na deliberasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?