177

Dec 10, 2018 @ 17:06
By

Mga Bangsamoro, nag-rally para sa pagpapatibay ng BOL

Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Cotabato City ngayong Lunes matapos magkaisa ang libo-libong Bangsamoro sa compound ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ipinag-utos ni Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi kagabi ang suspensiyon ng klase para maiwasan umano na mahirapan sa trapiko ang mga tao.

Ayon kay Mohagher Iqbal, peace panel chair ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang paglulunsad ng kampanya para sa BOL ratification ay inorganisa ng MILF.

Ito umano ay para mabigyan ng kaalaman ang mga tao sa benepisyo ng BOL.

Ang plebisito para sa BOL ratification ay itinakda sa Enero 21, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?