32

Nov 25, 2021 @ 17:26
By

Mga bangko nawalan ng P1B sa scam – NPC

Halos P1 bilyon na ang nawala sa mga bangko sa bansa ngayong taon dahil sa phishing, ayon sa isang opisyal ng National Privacy Commission (NPC).

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro, napakalaganap na ng mga phishing at smishing attack kaya’t pinulong ng ahensiya ang mga bangko, telecommunication company at mga e-commerce site tulad ng Lazada at Shopee para matugunan ang problema.

Sa phishing, ini-email ang biktima na may mga kasamang link. Napapasok ang sistema oras na ma-click ang link dahil ito ang nagsisilbing susi na nagpapasok sa masasamang loob.

Sa smishing, SMS messages naman ang pinadadala sa mga tao.

Sabi ni Liboro, sindikato ang gumagawa nito at napakamabusisi ng kanilang operasyon at hindi lang Pilipinas ang tinatamaan nito.

Aniya, nangyari rin ito sa India, Malaysia at Singapore kamakailan.

Ayon kay Liboro, may mga ginawa nang hakbang ang mga telco.

Ang Smart, pinutol na ang access sa 45 domain na nakita nila at nagpi-filter naman ng mga message ang Globe para mapugutan ng ulo ang sindikato.

Pinutulan na aniya ng mga bangko ang buntot sa pamamagitan ng pag-freeze ng mga account kung saan nilalagak ang mga pinagsusupetsahan nilang galing sa krimen ang nilalagay na pera.

Sabi ni Liboro, pinag-aaralan ngayon ng NPC ang katawan ng sindikato at kung paano nila napapasok ang infrastructure ng mga telco. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?