275

Nov 19, 2019 @ 20:36
By

Mga bangko lugi na sa ATM

Unti-unti na umanong nalulugi ang automated telling machine (ATM) sa larangan ng pagnenegosyo, ayon kay Bank of the Philippine Islands (BPI) Chief Executive Officer Cezar Consing.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, idiniin ni Consing ang mga maaaring dahilan ng tila unti-unting pagkalugi ng mga ATM.

Una rito ang papalapit na holiday season kung saan libo-libong kostumer ang nagwi-withdraw sa ATM kaya kinakailangan nilang i-reload fully stocked ang bawat ATM lalo na sa remote areas.

Isa rin sa mga pagsubok na hinaharap ngayon ng mga bangko ay ang digital payment na siyang cashless at unti-unti nang tinatangkilik ng mga Pilipino.

“A fairly large percentage of the ATMs are actually losing money. In the case of my bank, BPI, where we have 2,500 ATMs, hundreds of them make no money. We lose a lot of money just keeping the ATM there… in a far-flung place we need to send motorized vehicles with guards, you have to reload so often,” aniya.

“Can you imagine, Christmas time is coming… and our biggest problem is how do we stock our ATMs fast enough? Just a few days ago, our bank, and we are just one bank, had over P4 billion in withdrawals. Can you imagine how fast you have to refill?” sabi pa niya.

“I think we are at a stage in our economy wherein we would grow ATMs first, and at some point you’re actually going to see ATMs come down because digital transactions will overtake cash transactions. Which our regulators are also pushing. Banks will have to respond in their own ways,” sabi pa niya

Dahil dito ay ipinakiusap ni Consing sa komite na pahintulutan ang mga bangko na marekober naman ang kanilang mga puhunan at nagagastos sa diumano’y naluluging negosyo.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa ipinapataw na charge ng mga bangko sa bawat ATM inter at intrabank transaction.

“All I’m saying is, I think the issue on ATMs in the country is, we need for ATMs. We really need for ATMs. At least allow the banks to recover their [investment],” aniya.

Humiling naman si Cong. Carlos Zarate sa mga bangko na maging transparent sa kanilang pagpapataw ng karagdagang buwis nang sa gayon ay maging aware at hindi mabigla ang consumers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?