128

Apr 10, 2018 @ 12:12
By

Mga bangko, hinimok na dagdagan ang pautang sa mga paaralan

Umapela si Iligan City Rep. Frederick Siao sa mga bangko na luwagan ang pagpapautang sa mga eskuwelahan para umangat ang edukasyon sa Pilipinas.

Sinabi ni Siao na base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay wala pang isang porsiyento ng kabuuang pautang ng mga bangko ang napunta sa sektor ng edukasyon noong 2017 at unang dalawang buwan ng 2018.

“Kailangan ng abot-kayang pautang mula sa mga bangko para matulungan ang mga pribadong paaralan, lalo na sa mga probinsiya,” ayon kay Siao.

“Halos pitong trilyong pisong ipinautang ng mga bangko noong 2017. Wala pang 0.6 percent niyan ang loans to education sector,” dagdag ng kongresista.

Mas malaki pa aniya ang inaaprubahang pautang ng mga bangko para sa iba’t ibang uri ng sasakyan.

“Last January, loans to educational institutions amounted to P32.8 billion. That same month, motor vehicle loans summed up to P262.8 billion. Preliminary figures for February 2018 show bank loans to education at P33.75 billion. Compare that to the car and motorcycle loans total of P266 billion,” ani Siao.

Ang ganito aniya kahinang financial support ang isa sa mga dahilan kung bakit kulelat ang edukasyon sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Southeast Asia.

Kaugnay nito’y iminungkahi ni Siao sa BSP at Development Bank of the Philippines na magbalangkas at magpatupad ng mga patakaran para dumami ang loans ng mga bangko sa mga eskuwelahan, lalo na sa mga kolehiyo at pamantasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?