249
rodel-batocabe
Feb 11, 2018 @ 12:26
By

Mga bangko, dahilan ng pagkabaon sa utang ng mga guro – Batocabe

Ibinulgar ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na ang malalaking commercial banks ang nasa likod ng pagkabaon sa utang ng maraming public school teachers partikular sa Region V.

Ayon kay Batocabe, pito sa 20 commercial at universal banks sa Pilipinas ang parte ng salary deduction scheme ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng kanilang thrift at rural bank conduits.

Kabilang aniya rito ang BDO, Union Bank, East West, China Bank, UCPB at RCBC.

“The presence of these ‘big banks’ provide a limitless source of credit that they offer to the teachers through their respective rural banks,” anang DepEd.

Base sa research data, sinabi ng kongresista na sa P300 bilyon loans ng mga guro na tinukoy ng DepEd, P177 bilyon ay utang sa Private Lending Institutions (PLI), kung saan ang P112.226 bilyon ay ibinigay sa entities na pagmamay-ari at kontrolado ng universal banks.

Ito aniya ang dahilan kaya may ilang mga guro na tumatanggap ng buwanang sahod na wala pang P1,000 minsan ay P300 na lamang matapos kaltasin ang kanilang loan amortization mula sa PLIs.

Dahil dito’y iginiit ni Batocabe na huwag payagan ang commercial banks na lumahok sa salary deduction scheme na ipinatutupad ng DepEd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?