22

Jul 7, 2020 @ 15:53

Mga bangkay binida sa video ng isang Cebu councilor

Binatikos ng mga netizen ang isang konsehal sa Cebu City na umano’y tinampok sa TikTok ang mga labi na nasa morge ng isang ospital sa lungsod.

Walang binanggit na pangalan si Twitter user @lorraineecarma pero binigay niya ang naturang paglalarawan.

Pinili rin aniya niyang huwag ilagay ang link ng video dahil baka may mga ma-trigger na tao.

“Did this Cebu City Councilor really just post a TikTok of dead bodies in body bags? From the Vicente Sotto [Memorial Medical Center] morgue????,” ayon sa netizen.

“Mamser, those were people with loved ones. They are not objects for clout? I don’t care if you were paying “tribute” to them. It’s wrong and invasive,” sabi pa niya.

Sa comments, binanggit ng ilang Twitter user ang pangalan ni Councilor Niña Mabatid.

Maraming netizen ang napamura habang ang ilan ay sinaad na labag ito sa Data Privacy Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?