45

By

Mga bandila ng China, takaw-mata sa loob ng Kamara

Sharing is caring!

Takaw-pasin nitong Lunes (ika-10 ng Setyembre) ang mga watawat ng bansang Tsina na bumabandera sa loob ng Batasan Complex kasabay ng pagbisita ng isang mataas na opisyal ng Chinese Communist Party (CCP).

Sa litratong kuha ng Abante, makikita ang matayog na pagwagayway ng mga watawat ng Tsina kasabay ng mga bandila ng Pilipinas sa harap ng main building ng Kamara kasabay ng pagdating Ji Bingxua, vice chairman ng National People’s Congress ng pamahalaan ng Tsina.

Si Ji at kanyang mga kasamahan ay humarap at nagbigay-pugay sa liderato ng Kamara sa pamumuno ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa source ng Abante, ito ang unang beses sa loob ng mahigit isang dekada na may watawat ng dayuhang bansa sa loob ng Batasan compound. Ang huling beses na mayroong dayuhang bandila na-nakataas sa loob ng Kamara ay noon pang Oktubre 2003, nang bumisita at nagsalita sa harap ng mga miyembro ng Kongreso ang dating pangulo ng Estados Unidos, na si George W. Bush.

Giit ni Ginang Edith Cardenas, director ng Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRS), normal lang umano ang pagbibigay ng parangal sa mga matatataas ng opisyal ng ibang bansa sa bumibisita sa loob ng Kamara gaya ni Ji.

Dagdag pa ni Cardenas, ang mga matataas ng opisyal ng pamahalaan ay nakakatanggap din ng parehas na VIP treatment kapag sila’y panauhing pangdangal sa ibang bansa.

Ang delegasyon ni Ji ay nakipagpulong kay Arroyo at tinalakay ang mga iba’t ibang paksa na namamagitang sa dalawang bansa kagaya ng agrikultura, kalakalan, edukasyon, imprastraktura, kultura, at sining.

Ang mga watawat ng Tsina ay agaran ding inalas paglisan ng grupo ni Ji.

Nitong Sabado (ika-8 ng Setyembre), si Arroyo ay nagtungo sa probinsyang Guangzi sa bansang Tsina para sa China-ASEAN-Mayors’ Forum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?