76

By

Mga balotang gagamitin sa eleksyon 2019, ipinasilip ng Comelec

Naglabas na ng template ng mga balotang gagamitin sa eleksyon sa darating na Mayo ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Twitter post ni Comelec spokesperson James Jimenez, ang mga balotang gagamitin sa National and Local Elections (NLE) ay available na sa website ng ahensya.

Makikita sa naturang template ang pangalan ng mga kandidatong tumatakbo para sa posisyon sa Senado at Kamara, party-list group seats, at local government candidates.

Gaganapin ang eleksyon sa darating na Mayo 13 mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?