13

Jul 20, 2021 @ 15:22
By

Mga bakunang nagkaaberya sa Muntinlupa ipinadala sa UNICEF

Ipinadala sa mga eksperto sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang mga COVID-19 vaccine na nagkaproblema sa storage sa Muntinlupa City.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay upang malaman kung maaari pa itong iturok.

“Let us wait for the UNICEF report. DOH is closely coordinating with them so that we may be able to know if the vaccines can still be used,” lahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online briefing.

Noong July 15, pansamantalang sinuspinde ng Muntinlupa City government ang turukan sa Festival Mall dahil sa isyu ng storage facility nito.

Ayon sa inisyal na pagsusuri, nagkaroon ng pagbabago sa temperatura na maaaring makaapekto sa kalidad ng bakuna,” sabi ng city government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?